Miyerkules, Pebrero 22, 2017, ipinatalastas ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina, dadalaw sa Tsina si Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore, para panguluhan, kasama si Zhang, ang isang serye ng pulong hinggil sa bilateral na kooperasyon ng Tsina at Singapore.
Sinabi ni Geng na ang Singapore ay mahalagang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Itinatag aniya ng Tsina at Singapore ang komprehensibo't kooperatibong partnership, at isinagawa ang malakawang kooperasyon, batay sa pagkakapantay at mutuwal na kapakinabangan. Pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon ng dalawang bansa, at nakahandang ibayo pang pahigpitin, kasama ng panig Singaporean, ang pagtitiwalaang pulitikal, palakasin ang pragmatikong kooperasyon, at pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon, dagdag pa niya.
Salin: Vera