Nag-usap Pebrero 26, 2017 sa Beijing sina Zhao Leji, Ministro ng Organization Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Teo CheeHean, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro ng Singapore .
Ipinahayag ni Zhao na nagiging mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Singapore sa ibat-ibang larangan, lalo na sa pagpapalitan at pagsasanay ng mga namumunong tauhan. Nakahanda aniya ang Tsina na tupdin, kasama ng Singapore, ang narating na pagkakasundo ng mga liderato ng dalawang bansa, para palalimin ang pagtitiwalaang pampulitika at palawakin ang pragmatikong pagtutulungan, para ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, sa mas mataas na antas. Ipinahayag naman ni Teo CheeHean, na nakahanda ang Singapore na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang pagpapalitan ng mga mataas na opisyal. Ito aniya'y makakatulong sa ibayong pagpapalalim ng pagtutulungan ng dalawang bansa.