Li Yining (sa gitna), at iba pang kagawad ng CPPCC sa preskon hinggil sa takbo ng kabuhayang Tsino
Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-6 ng Marso 2017, sa Beijing, ni Li Yining, Kagawad ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) at kilalang ekonomista, na posibleng lumampas sa 6.5% ang paglaki ng GDP ng Tsina sa taong ito.
Sinabi ni Li, na nitong ilang taong nakalipas, bumabagal ang paglaki ng GDP ng Tsina. Ito aniya ay resulta ng isinasagawang pagbabago at pagsasaayos ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayang Tsino. Ani Li, noong dati, ang bilis at dami ay priyoridad ng pag-unlad ng kabuhayan, pero ngayon, ang episensiya at kalidad ay priyoridad.
Dagdag ni Li, sa yugto ng nabanggit na pagbabago at pagsasaayos, nagsisikap din ang Tsina para iwasan ang malaking pagtaas-pagbaba ng kabuhayan. Aniya pa, tuluy-tuloy na isasagawa ng Tsina ang pagbabago at pagsasaayos ng kabuhayan, at unti-unting isasakatuparan ang matatag at makatwirang paglaki ng GDP.
Salin: Liu Kai