Kinatagpo kahapon, Marso 6, 2017 dito sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Norodom Sihamoni, dumadalaw na Hari ng Kambodya at kanyang nanay, Norodom Monineath.
Tinukoy ni Xi na matagal na ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya, at sa kasalukuyan, ang relasyon ng dalawang bansa ay may bagong pag-unlad. Dapat aniyang palakasin ang koordinasyon ng dalawang bansa sa mga multilateral na suliranin, at patuloy na gawain ang ambag para sa pangangalaga ng katatagan ng rehiyon at kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag ni Sihamoni na matatag ang relasyon ng Kambodya at Tsina. Susundin aniya ng maharlikang pamilya ng Kambodya ang prinsipyo ng pakikipagkaibigan sa Tsina na itinakda ng dating hari, at ibayo pang pasulungin ng ang patuloy na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
salin:Lele