Bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), idinaos nitong Miyerkules ng gabi, ika-28 ng Disyembre 2016, sa Siem Reap, Kambodya, ang ASEAN-China Joint Cultural Performance, na may temang "Connectivity in Diversity."
Kalahok sa palabas ang mga alagad ng sining mula sa Tsina at iba't ibang bansa ng ASEAN. Itinanghal nila ang mga elementong pansining ng sariling bansa, at mga pinaghalong elemento sa rehiyong ito.
Sa kanyang napanood na palabas, sinabi ni Tan Qingsheng, Charge d'Affaires ng Tsina sa Kambodya, na mahaba ang kasaysayan ng pagpapalagayan ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Dagdag niya, bukod sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ang pagpapalitang pangkultura ay mahalaga ring aspekto ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin: Liu Kai