Huwebes, ika-15 ng Disyembre, 2016, sinimulang idaos sa Lalawigang Kampong Speu ng Kambodya ang magkasanib na pagsasanay ng mga hukbong Tsino at Kambodyano sa makataong panaklolo at pagbabawas ng epekto ng likas na kapahamakan. Ito ang kauna-unahang magkasanib na pagsasanay ng mga hukbo ng dalawang bansa.
Ang pangunahing nilalaman ng nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng pag-aalis ng mg land mine at di-sumabog na materiyal, pagbibigay-saklolo sa tubig, mabilis na pagtatatag ng dam at iba pa.
Salin: Vera