Binuksan kamakalawa, Huwebes, ika-8 ng Disyembre 2016, sa Phnom Penh, Kambodya, ang tanggapan ng China-ASEAN Legal Cooperation Center.
Palalakasin ng tanggapang ito ang pag-uugnayan sa pagitan ng mga may kinalamang ahensiya ng mga pamahalaan ng Tsina at Kambodya, at mga sektor ng kabuhayan at batas ng dalawang bansa. Magkakaloob din ito ng mabuti, epektibo, at propesyonal na serbisyong pambatas sa mga bahay-kalakal ng dalawang bansa na may kooperasyon. Ang mga ito ay naglalayong magbigay ng ambag sa pagpapasulong ng integrasyon ng ASEAN, at kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.
Salin: Liu Kai