Ayon sa mga ulat na ipinalabas kahapon, Martes, ika-7 ng Marso 2017, ng ilang online travel agency ng Tsina, ang Pilipinas, Thailand, Biyetnam, at Indonesya ay kabilang sa mga paboritong destinasyon ng mga babaeng Tsino para sa bakasyon.
Ang naturang mga ulat ay magkahiwalay na ginawa ng ly.com at lvmama.com, dalawang online travel agency ng Tsina, batay sa mga nakolekta nilang impormasyon nitong isang taong nakalipas. Ayon pa rin sa mga ulat, ang mga babaeng nasa edad 25 hanggang 40 ang pangunahing bahagi ng mga turistang Tsino na naglakbay sa labas ng bansa.
Pagdating naman sa mga bagay na binili ng mga babaeng Tsino sa kani-kanilang biyahe, malaking bahagi ay mga local specialty at tourist souvenir. Ang iba pang bagay ay kinabibilangan ng damit, fashion product, cosmetics, regalo, at alahas.
Salin: Liu Kai