NAKATAKDANG lumagda si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang executive order na magbabawal ng paninigarilyo matapos isumite ng Office of the Executive Secretary ang binagong panukalang kautusan ng Department of Health.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang mga pagbabago sa draft ng Department of Health ay naisumite na sa Office of the Executive Secretary kaninang umaga.
Ang pagbabago ay nakarating na sa Malacanang kaninang ikawalo ng umaga at malalagdaan na sa oras na bumalik si Pangulong Duterte.
Ang ika-apat na bahagi ng executive order ang binago ayon kay G. Abella.
Kailangang maisunod sa modelo ng Davao City ang executive order. Ipagbabawal na rin ang paninigarilyo sa loob ng tahanan.