Sa pulong ng mga hukom ng Constitutional Court ng Timog Korea na idinaos nitong Miyerkules ng hapon, Marso 8, 2017, ipinasiya nitong ilabas alas-10:00 bukas, ang kahatulan tungkol sa impeachment case laban sa kanilang pangulo.
Sa kasalukuyan, mayroong walong (8) hukom ang Constitutional Court. Kung 6 na hukom ang boboto ng pagsang-ayon, mapapasa ang nasabing impeachment case na agarang mag-aalis sa tungkulin ni Park Geun-hye bilang pangulo ng bansa. Kung bebetuhan ang kaso, agarang panunumbalikin sa posisyon si Park Geun-hye bilang pangulo.
Salin: Li Feng