Sa isang preskon ng idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina sa Beijing nitong Huwebes, ika-9 ng Marso, 2017, ipinahayag ni Chen Jining, Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, na sapul nang isagawa ang plano sa aksyon ng pagpigil at pagsasaayos sa polusyon sa hangin, natamo ang pagbuti ng kalidad sa hangin ng Tsina, bagay na nagpapakita ng tumpak na direksyon at paraan ng kasalukuyang hakbang ng bansa. Binigyang-diin din niyang sa kasalukuyang taon, patuloy na pag-iibayuhin ng kanyang ministri ang pagpapatupad ng batas, at hinding hindi kukunsintuhin ang alinmang ilegal na aksyong may kinalaman sa kapaligiran. Buong tatag din aniyang isasaayos ang polusyon sa aerosphere, tubig at lupa.
Sinabi ni Chen na apektado ng bolyum ng pagbuga ng pollutant at kondisyong meteorolohikal ang kalidad ng hangin. Kung tatasahin batay sa three-year moving average, mabisa ang pagsasaayos sa aerosphere ng Tsina, at tumpak ang direksyon at hakbangin nito, dagdag ni Chen.
Kaugnay ng ilang umiiral na problema sa proseso ng pagsasaayos sa polusyon sa aerosphere, sinabi ni Chen na sa Government Work Report sa kasalukuyang taon, isinagawa nito ang pagsasaayos sa isyu ng central heating sa taglamig, at pinag-iibayo ang pagpigil sa polusyon. Papatnubayan din aniya ng Ministri ng Pangangalaga sa Kapaligiran ang siyentipikong pagsasaayos sa polusyon sa lokalidad.
Salin: Vera