Lumahok kahapon, Martes, ika-7 ng Marso 2017, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa talakayan ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina sa Beijing.
Sinabi ni Li, na ang kaunlaran at katatagan ay dalawang mahalagang elemento, para igarantiya ang maginhawa at maligayang pamumuhay ng mga mamamayan sa Tibet. Binigyang-diin niyang dapat dagdagan ng sentral na pamahalaan ang laang-gugulin sa konstruksyon ng mga imprastruktura ng komunikasyon at power grid sa Tibet, at palakasin ang gawain ng pagbabawas ng kahirapan, para pabutihin ang pamumuhay ng mga lokal na mamamayan.
Tinukoy din ni Li, na sa ilalim ng paunang kondisyon ng mahigpit na pangangalaga sa ekolohiya sa Tibet, kailangang buong lakas na paunlarin ang mga industriyang may bentahe sa lokalidad, na gaya ng turismo, malinis na enerhiya, at tradisyonal na medisina, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan.
Salin: Liu Kai