Li Keqiang (sa gitna) sa talakayan ng delegasyon ng Shandong
Bilang deputado ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, lumahok kahapon, Lunes, ika-6 ng Marso 2017, sa Beijing si Premyer Li Keqiang sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Shandong. Inilahad niya ang hinggil sa nakatakdang target ng paglaki ng kabuhayan sa taong ito.
Sinabi ni Li, na 6.5% ang target sa taong ito. Aniya, bagama't mas mababa ito kaysa 6.7% na paglaki ng GDP noong 2016, ito ay kabilang pa rin sa katamtama at medyo mabilis na antas, at sapat ito para magkaloob ng kinakailangang hanapbuhay sa lipunan.
Dagdag ni Li, sa kasalukuyan, lumampas sa 11 trilyong Dolyares ang kabuuang bolyum ng GDP ng Tsina. Aniya, ang 6.7% na paglaki ay pinakamabilis sa lahat ng mga ekonomiya sa daigdig, na may 3 trilyong Dolyares na GDP, pataas. Sinabi rin niyang ang pagpapababa ng target ng paglaki ng GDP ay para magbigay ng priyoridad sa episensiya at kalidad ng pag-unlad ng kabuhayan. Ito rin aniya ay makakabuti sa pag-a-upgrade ng real economy ng Tsina.
Salin: Liu Kai