Idinaos kahapon, Lunes, ika-13 ng Marso 2017, sa Bangkok, Thailand, ng Departamento ng Negosyo ng lalawigang Shandong ng Tsina, ang promosyon ng mga produktong agrikultural ng lalawigang ito.
Ipinahayag ng may kinalamang opisyal ng naturang departamento, na ang Shandong ay isa sa mga pangunahing lalawigan ng Tsina na nagpoprodyus ng mga produktong agrikultural, at ang Thailand naman ay kilala sa pagluluwas ng mga pagkaing-butil. Aniya, kailangang palakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa sektor ng produktong agrikultural, at ibayo pang palawakin ang bilateral na kalakalan.
Sa naturang promosyon, nilagdaan ng Departamento ng Negosyo ng Shandong at Asian-International Trade and Investment Association ng Thailand, ang kasunduan hinggil sa magkasamang pagpapasulong ng kalakalan at pamumuhunan ng Shandong at Thailand.
Narating naman ng mahigit 60 bahay-kalakal ng Shandong at halos 100 bahay-kalakal ng Thailand, ang intensyon hinggil sa kalakalan ng mga produktong akuwatiko, gulay, prutas, at iba pang produktong agrikultural.
Salin: Liu Kai