|
||||||||
|
||
Sa Ika-60 Pulong ng United Nations (UN) Commission on Narcotic Drugs (CND), ipinahayag ni Liang Yun, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Pambansang Komisyon ng Tsina sa Pakikibaka Laban sa Droga, na buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang kasalukuyang pandaigdigang mekanismo ng pakikibaka laban sa droga. Aktibo rin aniya nitong isinusulong ang pandaigdigang kooperasyon sa usaping ito.
Ginanap sa Vienna sa linggong ito ang nasabing pulong na dinaluhan ng halos 1,500 kinatawan mula sa buong mundo. Nagkaroon sila ng talakayan at pagsasanggunian tungkol sa drug issue sa daigdig.
Ani Liang, noong isang taon, iginiit ng Tsina ang komprehensibo at balanseng estratehiya upang harapin ang isyu ng droga. Aniya pa, aktibong nakikilahok ang Tsina sa kaukulang kooperasyong pandaigdig na nakakapagbigay ng positibong ambag sa pagharap ng buong mundo sa nasabing isyu.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |