Sa okasyon ngayong araw ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, ipinalabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang ulat hinggil sa kalagayan ng paggamit ng ipinagbabawal na droga sa bansa. Ito ang kauna-unahang ganitong ulat na ginawa ng Tsina.
Ayon sa nabanggit na ulat, hanggang noong katapusan ng 2014, umabot sa halos 3 milyon ang opisyal na bilang ng mga naitalang drug addict sa buong Tsina, at tinatayang lumampas sa 14 na milyon ang aktuwal na bilang ng mga drug addict, kasama na ang mga hindi pa natutuklasan. Bumaba naman ang karaniwang gulang ng mga drug addict at mahigit sa kalahati ng mga naitalang drug addict ay wala pang 35 taong gulang.
Samantala, hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, 49 na libong drug addict ang nasawi. Umabot naman sa 500 bilyong yuan RMB ang karaniwang halaga kada taon ng direktang kapinsalaan sa kabuhayan na dinulot ng paggamit ng ipinagbabawal na droga.
Salin: Liu Kai