|
||||||||
|
||
2nd Tree-Planting Ceremony at Central-Plain International Friendship Grove
Sa pagtataguyod ng Henan Administration of Foreign Expert Affairs (HAFEA), idinaos kamakailan sa Zhengzhou National Economic and Technological Development Zone (ZNETDZ), sa lunsod ng Zhengzhou, lalawigang Henan, Tsina ang "2nd Tree-Planting Ceremony at Central-Plain International Friendship Grove."
Si Xu Zongqin, Director General ng HAFEA
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xu Zongqin, Director General ng HAFEA, na layon ng aktibidad na palakasin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga Tsino at mga dayuhan, habang pinapalawak ang kaalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
Umaasa rin aniya siyang sa pamamagitan ng pinalakas na pagkakaunawaan ng lahat ng may-kinalamang panig, mapapasulong ang pag-unlad ng inisyatibang One Belt, Road (OBOR) na isinusulong ng Tsina para maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Matatandaang ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang Government Work Report sa Ika-5 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, noong Marso 5, 2017, na dapat palakasin ang pangangalaga at pangangasiwa sa kapaligirang ekolohikal at puspusang pasulungin ang inisyatiba ng OBOR sa pamamamagitan ng magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagbabahaginan ng lahat ng mga may-kinalamang panig.
Si Cui Shaoying habang kinakapanayam ni Rhio ng Serbisyo Filipino ng CRI
Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi naman ni Cui Shaoying, Kalihim ng Party Committee ng ZNETDZ, na ang pagtitipong ito ay para sa pagpapalakas ng pagkakaunawaan ng mga taga-Henan at buong mundo.
Aniya, isa pa sa mga napakahalagang papel ng aktibidad ay magtayo ng maharmonya, maganda, at ligtas na kapaligiran para sa lahat ng mga mamamayan ng Zhengzhou, Tsino man o dayuhan.
Si Abdrakhmanov Kairat, Counselor ng Embahada ng Kazakhstan sa Tsina
Sa kanya namang talumpati sa naturang pagtitipon, sinabi ni Abdrakhmanov Kairat, Counselor ng Embahada ng Kazakhstan sa Tsina, na lubos siyang umaasa na pasusulungin ng nasabing aktibidad ang pagkakaibigan at pagpapalitan ng ibat-ibang may-kinalamang panig upang mabilis na maisakatuparan ang nasabing inisyatiba at mapalakas ang pag-unlad ng lahat ng may-kinalamang panig sa kahabaan ng OBOR.
Mga dumalo sa 2nd Tree-Planting Ceremony at Central-Plain International Friendship Grove
Mga kaibigang dayuhan habang nagtatanim ng puno
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng Panlalawigang Pamahalaan ng Henan, HAFEA, mga dayuhang dignataryo mula sa ibat-ibang embahada sa Tsina, samahang pang-negosyo, media at mga kaibigang dayuhan.
Report: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |