Idinaos kahapon, March 14, 2017, ang ground breaking ceremony ng konstruksyon ng No.51 national highway na pinopondohan ng preperensiyal na pautang ng Tsina sa Kambodya. Dumalo sa seremonya sina Sar Kheng, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya at Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya.
Sinabi ni Xiong na salamat sa mapayapa at matatag na kapaligiran, mainam ang pag-unlad ng Kambodya. Aniya, sa loob ng isang buwan lamang, lumahok na siya sa tatlong seremonya ng pagtatapos o pagsisimula ng proyektong magkasanib na itinaguyod ng Kambodya at Tsina. Ito ay nagpapakitang mahigpit na mahigpit ang kooperasyon ng dalawang bansa.
salin:lele