|
||||||||
|
||
Bo'ao, lalawigang Hainan ng Tsina — Nakatakdang idaos mula ika-23 hanggang ika-26 ng Marso ang taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA). Bilang isa sa mga pangunahing dialogue platform ng Asya at mga bagong-sibol na economiya, naging tema ang "Harapin ang Globalisasyon at Kinabukasan ng Malayang Kalakalan" sa nasabing porum.
Nang kapanayamin ng mga mamamahayag, ipinahayag ni Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na ang paraan ng pagharap ng mga maunlad na bansa at bagong-sibol na ekonomiya sa globalisasyon ay magiging pangunahing tema sa taunang pulong ng BFA sa 2017.
Ayon sa salaysay, mayroong apat (4) na bahagi ang nasabing porum na kinabibilangan ng globalisasyon, paglaki, reporma, at bagong ekonomy.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |