Ipininid kahapon ng hapon, Biyernes, ika-25 ng Marso 2016, sa Hainan, Tsina, ang 2016 taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA). Ang tema ng taunang pulong na ito ay "Asia's New Future: New Dynamics and New Vision."
Kalahok sa kasalukuyang taunang pulong ang mahigit 2100 tauhan mula sa 62 bansa at rehiyon, na gaya ng mga kinatawan ng sirkulong pulitikal, sirkulong industriyal at komersyal, at mga iskolar ng mga think tank. Sa panahon ng pulong, idinaos ang 88 aktibidad na kinabibilangan ng mga sub-forum, roundtable, dialogue meeting, debatehan, at iba pa.
Sinabi ni Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na tinalakay ng mga kalahok ang mga paksang may kinalaman sa kabuhayan, pinansyo, teknolohiya, at iba pa. Iniharap din aniya ng mga kalahok ang mga magandang kuro-kuro at mungkahi, para maging mas masigla ang kabuhayan ng Asya.
Salin: Liu Kai