|
||||||||
|
||
Dumalo at bumigkas ng talumpati Marso 24, 2016, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA).
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Premyer Li na sa kasalukuyan, nasa malalim na pagsasaayos pa rin ang kabuhayang pandaigdig. Aniya, bumabagal ang pag-ahon ng mga maunlad na ekonomiya, iba't-iba ang tunguhin ng pag-unlad ng mga bagong-sibol na ekonomiya, at kinakaharap din ng maraming bansang Asyano ang napakalaking kahirapan. Noong isang taon, iniharap sa taunang pulong ng BFA ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mahalagang mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng Community of Common Destiny, at paglikha ng baong kinabukasan ng Asya. Iniharap ng Premyer Tsino ang ilang palagay tungkol sa magkakasamang pagharap ng mga bansang Asyano sa mga hamon: Una, dapat magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan; Ikalawa, dapat magkakasamang pasulungin ang paglaki ng kabuhayan; Ikatlo, dapat magkakasamang palalimin ang integration development; Ikaapat, dapat magkakasamang pasulungin ang pagbubukas at pagkakaunawa; Ikalima, dapat ding magkakasamang pasiglahin ang inobasyon.
Kaugnay ng kalagayan ng kabuhayang Tsino, sinabi ng Premyer Tsino na ang pagdami ng elemento ng kawalang-katatagan sa kasalukuyang kabuhayang pandaigdig ay nagdudulot ng mga di-paborableng epekto. Aniya, namumukod ang kontradiksyon sa estrukturang pangkabuhayan sa loob ng Tsina, at nasa masusing panahon ng pagbabago at pag-u-upgrade ang kabuhayang Tsino. Kaya, hindi naiiwasan ang pansamantalang kahirapan. Ngunit, sa pangkalahatang kalagayan, nananatili pa ring nasa makatwirang lebel ang operasyon ng pambansang kabuhayan, at lumitaw ang mga bagong positibong pagbabago, dagdag pa niya.
Dumalo rin sa nasabing seremonya ang mahigit 2,100 kinatawan mula sa sirkulong pulitikal at komersyal, at iskolar galing sa 62 bansang Asyano, Europeo, at Oceanian.
Naitatag ang BFA noong taong 2001. Ang layon nito ay pasulungin ang kabuhayan at kooperasyong panrehiyon. Ang tema ng porum sa kasalukuyang taon ay "Asia's New Future: New Dynamics and New Vision."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |