Ipinahayag Marso 22, 2017 ng pamahalaan ng lalawigang Yunnan ng Tsina na palalakasin nito ang kakahayang pangkabuhayan, para maitatag ang platapormang pangkooperasyon sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan sa mga bansa ng Timog-silangan Asya at Timog Asya.
Anito, bilang kapit-lalawigan ng Tsina sa Timog-silangang Asya at Timog Asya, ang Yunnan ay magpapatingkad ng sariling bentahe sa proseso ng "Belt at Road Initiative" para pasulungin ang pakikipagtulungan sa naturang mga bansa sa ibat-ibang larangan, lalo na sa kabuhayan, kalakalan, industriya ng serbisyo, at iba pa.