Magkasamang pinanood Sabado, Marso 25, 2017 sa Sydney ng Australia nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Malcolm Turnbull ng bansang ito, ang isang Australian rules football match sa pagitan ng Sydney Swans club at Port Adelaide Power club.
Ipinahayag ni Li ang mainit na pagtanggap sa naturang dalawang team na pupunta sa Tsina para ipakita ang kabighanian ng Australian football.
Sinabi niyang nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Australia, ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kultura at palakasan para mapalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Bago ang nasabing paligsahan, naglaro rin sina Li at Turnbull ng Australian football.