Dumalo kahapon, Biyernes, ika-24 ng Marso 2017, sa Sydney, Australya, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australya, sa ika-2 porum ng mga gobernador ng mga lalawigan at estado ng dalawang bansa.
Positibo si Li sa maganda at mabungang kooperasyong lokal ng Tsina at Australya. Ipinahayag din niyang ang pagpapalitan at pagpapalagayan ng mga mamamayan ay dapat maging mahalagang bahagi ng kooperasyong lokal ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Turnbull ang pag-asang patuloy na palakasin ang kooperasyong lokal ng Australya at Tsina, para ibayo pang pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa, at magdulot ng mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai