Idinaos kahapon, Biyernes, ika-24 ng Marso 2017, sa Sydney, Australya, ang ika-6 na CEO Roundtable Meeting ng Tsina at Australya. Dumalo sa pulong na ito sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australya.
Positibo ang dalawang lider sa pulong na ito, bilang plataporma ng pag-uugnayan ng sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at Australya. Ipinahayag din nila ang pagtanggap sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa isa't isa, para pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Australya, at magdulot ng mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai