Ipinahayag Marso 16, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubusang binibigyang galang ng Tsina ang karapatang pandagat ng Pilipinas.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa duda ng isang senador ng Pilipinas hinggil sa paglalayag ng scientific research ship ng Tsina sa karagatan malapit sa Benham Rise, na may awtorisasyon mula sa Malacanang.
Ani Hua, batay sa magsakamang pagsisikap ng Tsina at Pilipinas, mabilisang sumusulong ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Dagdag ni Hua, ito ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang estado at mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi maging sa komong mithiin ng karamihan ng bansa sa rehiyon at daigdig, na nagmamahal sa kapayapaan.