Kasalukuyang idinaraos ng Timog Korea at Amerika ang magkasanib na ensayong militar na may code name "Key Resolve." Kaugnay nito, ipinahayag Marso 13, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa masalimuot na kalagayan ng Peninsula ng Korea, inaasahang gagawin ng ibat-ibang panig ang mga bagay na makakatulong sa pagpapahupa ng kalagayang panrehiyon.
Sinabi ni Hua na muling ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Wang Yi sa preskon ng taunang pulong ng National People's Congress ang mungkahi ng Tsina sa paglutas ng isyu ng Peninsula ng Korea, na sabay-sabay na pasulungin ang denuclearization at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng peninsula. Samantala, inaasahan aniyang sususpendihin ng H.Korea ang paglulunsad ng missile at isinasagawang magkasanib na ensayong militar ng T.Korea at Amerika.