Ayon sa ulat, nakatakdang ipadala ng Hapon ang Izumo warship para sa magkasanib na ensayong militar sa South China Sea(SCS).
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 16, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang pagsisisihan ng Hapon ang mapanalakay na kasaysayan, at gagawin ang bagay-bagay na makakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ani Hua, mula noong isang taon, batay sa magkasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of South-East Asian Nations (ASEAN), walang tigil na bumubuti ang kalagayan sa South China Sea. Umaasa aniya ang Tsina na bibigyang galang at suporta ng mga bansang walang direktang kinalaman sa isyu ng SCS, ang isinasagawang pagsisikap ng mga may-kinalamang bansa sa pangangalaga sa katatagan ng rehiyon.