Idinaos mula ika-28 hanggang ika-29 ng Marso 2017, sa Phnom Penh, Kambodya, ang ika-4 na pulong ng mga pangkalahatang kalihim ng Intergovernmental Coordinating Committee ng Tsina at Kambodya. Dumalo sa pulong sina Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Vongsey Vissoth, Kalihim ng Estado ng Ministri ng Kabuhayan at Pinansyo ng Kambodya.
Positibo ang dalawang opisyal sa pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Kambodya. Ipinahayag nilang patuloy na palalawakin at palalalimin ang komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa kooperasyong panrehiyon. Sinang-ayunan nilang palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa loob ng balangkas ng ASEAN plus China, Lancang-Mekong Cooperation, at iba pa.
Salin: Liu Kai