Nakipagtagpo Marso 20, 2017 si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya
kay Wang Shouwen, Pangalagawang Ministrong Komersyal ng Tsina. Ipinahayag ni Hun Sen na walang tigil na ibinibigay ng Tsina ang suporta sa pagpapasulong ng kasaganaan at kaunlaran ng Kambodya. Umaasa aniya siyang magiging patuloy ang nasabing pagsuporta. Umaasa rin si Hun Sen na pupunta sa kanyang bansa ang mas maraming mamumuhunan at turista ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Wang na bilang komprehensibong estratehikong magkatuwang, nakahanda ang Tsina na tanggapin ang mas maraming produktong agrikultural ng Kambodya sa pamilihan ng Tsina. Samantala, positibo ang pamahalaang Tsino sa paglalakbay ng mas maraming turistang Tsino sa Kambodya.