Sa pagtataguyod ng Thai-Chinese Journalists Association at Dhurakij Pundit University, idinaos kahapon, Miyerkules, ika-29 ng Marso 2017, sa Bangkok, Thailand, ang symposium para talakayin ang mga pagkakataong dulot ng pamilihang Tsino sa mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal ng Thailand.
Ipinalalagay ng mga kalahok, na bagama't medyo bumabagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino, malaki pa rin ang pamilihan ng Tsina, at marami pa rin ang pagkakataon para sa mga bahay-kalakal na Thai.
Ipinahayag naman ng mga negosyanteng Thai ang pag-asang gagamitin ang tsanel ng media ng dalawang bansa, para i-promote ang kani-kanilang mga produkto sa Tsina.
Kalahok sa naturang symposium ang mahigit 70 personahe mula sa mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal ng Thailand, at 30 mamamahayag na Tsino at Thai.
Salin: Liu Kai