Natapos kahapon, Miyerkules, ika-29 ng Marso 2017, sa Liuzhou Railway Vocational Technical College, sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina, ang training course ng rail transit para sa 21 guro mula sa Rajamangala University of Technology Thanyaburi ng Thailand.
Sa loob ng 24 na araw, nag-aral sila hinggil sa mga maunlad na teknolohiya ng high-speed railway.
Pagkaraang isagawa ang "Belt and Road" Initiative, pinalalakas ng Tsina at mga may kinalamang bansa ang kooperasyon sa pagsasanay ng mga talento sa aspekto ng teknolohiya ng high-speed railway.
Idinaos na ng naturang kolehiyo ang 3 training course para sa 51 guro mula sa 12 pamantasan ng Thailand.
Salin: Liu Kai