Nakipag-usap Marso 29, 2017, sa Kuala Lumpur si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia kay Pangalawang Tagapangulo Xu Qiliang ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina.
Ipinahayag ni Najib na nananatiling mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Malaysia sa ibat-ibang larangan, lalo na sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, at kultura. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na makisangkot sa konstruksyon ng "Belt and Road Initiative." Umaasa rin aniya siyang ibayong mapapahigpit ang pakikipagtulungang pandepensa sa Tsina, para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, seguridad at kasaganaan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Xu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para pasulungin ang "Belt and Road Initiative," at pangalagaan ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon. Aniya, positibo ang Tsina sa pagtutulungan sa pagitan ng mga tropa ng Tsina at Malaysia. Umaasa aniya siyang gaganap sila ng kani-kanilang ambag para pangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng rehiyon.