"Ang Huangyan Island ay isang bahagi ng teritoryo ng Tsina. Buong lakas na pangangalagaan ng sandatahang lakas ng Tsina ang soberanya at seguridad ng estado." Ito ang ipinahayag ng Departamentong Pang-impormasyon ng Ministring Pandepensa ng Tsina bilang tugon sa ulat ng media hinggil sa paglilipad noong Abril 19, 2016 ng eroplanong panagupa ng Amerika sa umano'y bukas na himpapawid na malapit sa Huangyuan Island.
Sinabi ng naturang departamento na ang aksyon ng eroplanong Amerikano, sa ngalan ng "malayang paglilipad" ay naglalayong isagawa ang militarisasyon ng South China Sea. Ito anito'y hindi lamang nagsisilbing banta sa soberanya at seguridad ng mga may-kinalamang bansa, kundi makakasama rin sa katatagan ng rehiyon. Tinututulan ng Tsina ang mga ito, dagdag pa ng departamento.