|
||||||||
|
||
Sa pandaigdigang simposyum bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag nitong Huwebes, Marso 30, 2017, ni Kong Xuanyou, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat ibayo pang palakasin ng Tsina at ASEAN ang kooperasyon.
Ipinahayag niya na sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-ASEAN sa hinaharap, dapat ipauna ang pagkakaibigan ng dalawang panig upang makalikha ng mainam na kapaligirang pangkooperasyon at magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Sinabi rin niya na ang mga bansang ASEAN ay mahalagang partner ng Tsina sa pagpapasulong ng konstruksyon ng "Belt and Road." Dapat samantalahin ng dalawang panig ang pagkakataong ito para mapalalim ang kanilang konektibidad at kooperasyon sa kakayahan ng produksyon, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |