Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-20 ng Marso 2017, ng panig opisyal ng Nanning, punong lunsod ng Guangxi Zhuang Autonomous Region, Tsina, sisimulan sa lunsod na ito ang konstruksyon ng base ng China-ASEAN Information Harbor.
Napag-alamang bilang pangunahing bahagi ng naturang base, sisimulan sa loob ng taong ito ang ilang malaking proyekto, na gaya ng pagtatayo ng China-ASEAN Smart City Innovation Center, at China-ASEAN Big Data Center.
Ayon naman sa pamahalaan ng Guangxi Zhuang Autonomous Region, sa loob ng balangkas ng China-ASEAN Information Harbor, pinasusulong ng rehiyong awtonomong ito ang kooperasyong Sino-ASEAN sa mga modernong industriya ng information technology, na gaya ng global positioning system, big data, e-commerce, internet finance, smart city, at iba pa. Ito ay para buuin ang "Information Silk Road" sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Salin: Liu Kai