|
||||||||
|
||
Beijing, China — Bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), magkasanib na itinaguyod ng ASEAN-China Center (ACC) at China Institute of International Studies (CIIS) ang pandaigdigang simposyum mula Marso 30, hanggang Marso 31, 2017. Layon nitong ibayo pang pasulungin ang pragmatikong kooperasyong Sino-ASEAN sa iba't-ibang larangan.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, na sapul nang maitatag ang dialogue relation sa pagitan ng Tsina at ASEAN noong 1991, lumalalim nang lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, lumalakas nang lumalakas ang pragmatikong kooperasyon, at humihigpit nang humihigpit ang pagpapalitang pangkultura ng dalawang panig. Ito aniya ay nakakapagbigay ng aktuwal na benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Magugunitang ang Pilipinas ay kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN. Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Jose Santiago L. Sta.Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na malaki ang natamong benepisyo ng Pilipinas sa pagpapalakas ng dialogue relation sa pagitan ng ASEAN at Tsina. Nitong ilang taong nakalipas, nagsisilbing reliable partner ng ASEAN ang Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |