|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon, local time, Huwebes, ika-6 ng Abril 2017, sa Mar-a-Lago, Florida, Amerika, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Sinabi ni Xi, na ikinalulugod niya ang pagtatagpong ito, sa paanyaya ni Trump. Binigyang-diin niyang ang magandang relasyon ng Tsina at Amerika, ay makakabuti hindi lamang sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, kundi rin sa daigdig. Kaya aniya, nais niya, kasama ni Trump, na ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano.
Tinukoy din ni Xi, na ang pagtutulungan ay siyang tanging tamang pagpili ng Tsina at Amerika. Dapat aniyang palawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon, itakda ang mga priyoridad na aspekto ng kooperasyon, at isagawa ang mas maraming "early harvest" project. Dapat din aniyang palakasin ng Tsina at Amerika ang kooperasyon sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig, at sa loob ng multilateral na mekanismo. Ipinaabot din ni Xi ang paanyaya kay Trump, na isagawa ang dalaw-pang-estado sa Tsina sa loob ng taong ito.
Ipinahayag naman ni Trump ang pagtanggap sa pagdalaw ni Xi sa Mar-a-Lago. Ipinahayag niyang bilang dalawang malaking bansang may mahalagang responsibilidad sa daigdig, dapat panatilihin ng Amerika at Tsina ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga mahalagang isyu.
Ipinahayag din ni Trump ang kahandaang pasulungin, kasama ni Xi, ang pagtatamo ng relasyong Amerikano-Sino ng mas malaking pag-unlad. Tinanggap niya ang paanyaya ni Xi, para dumalaw sa Tsina sa lalong madaling panahon.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |