Huwebes, ika-6 ng Abril 2017, sa Mar-a-Lago, Florida, dumalo sina Pangulong Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan ng Tsina sa bangketeng panalubong na inihandog nina Pangulong Donald Trump at First Lady Melania Trump ng Amerika.
Sa kanyang talumpati sa bangkete, sinabi ni Xi, na isinagawa na niya, kasama ni Pangulong Trump, ang mabuting pag-uusap, at narating nila ang mahalagang komong palagay hinggil sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano. Umaasa aniya siyang ibayo pang makikinabang ang mga mamamayan ng Tsina at Amerika sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Trump, na mabuti ang unang pagtatagpo nila ni Pangulong Xi, at nagkaroon sila ng matalik na pagkakaibigan. Umaasa aniya siyang patuloy na makikipagpalitan ng palagay kay Xi, hinggil sa mga mahalagang isyu, sa pag-uusap na gagawin bukas.
Salin: Liu Kai