|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Biyernes, Abril 7, 2017, ni Liu Jieyi, pirmihang kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na sa mula't mula pa'y pinaninindigan ng panig Tsino ang paglutas sa mga hidwaang pandaigdig sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Aniya, ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay dapat gumawa ang iba't-ibang panig ng pagsisikap upang mapigilan ang ibayo pang paglala ng situwasyon ng Syria.
Ani Liu, ang sagupaan sa Syria ay nagdulot ng napakalaking kasuwalti ng inosenteng sibilyan. Hindi dapat aniyang ituloy ang kasalukuyang magulong situwasyon sa nasabing bansa, at dapat hanapin ang kalutasan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian sa lalong madaling panahon.
Nitong Biyernes ng madaling araw (local time), Abril 7, 2017, inilunsad ng Amerika ang atakeng militar laban sa tropang pampamahalaan ng Syria.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |