Sa TV speech kagabi, Huwebes, ika-6 ng Abril 2017, sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na iniutos niya ang "targeted missile strike" sa isang paliparang militar ng Syria. Ito aniya ay bilang tugon sa paggamit ng pamahalaan ng Syria ng sandatang kemikal sa pagsalakay sa mga inosenteng sibilyan.
Ayon naman sa pahayag ng Pentagon, kagabi alas-8:40, Eastern Standard Time, inilunsad ng tropang Amerikano mula sa dalawang bapor na militar sa Mediterranean Sea ang 59 na Tomahawk cruise missiles sa paliparang militar sa lalawigang Homs, sa gitnang bahagi ng Syria.
Anang pahayag, nauna rito, ginamit ng tropa ng pamahalaan ng Syria ang naturang paliparan, para ilunsad ang isang pagsalakay sa pamamagitan ng sandatang kemikal. Dagdag nito, ang operasyon ng tropang Amerika ay para maiwasan ang muling paggamit ng pamahalaan ng Syria ng sandatang kemikal.
Salin: Liu Kai