Ayon sa ulat kahapon, Sabado, ika-25 ng Pebrero 2017, ng panig opisyal ng Syria, naganap nang araw ring iyon ang serye ng mga suicide bombing sa dalawang security agency sa Homs, lunsod sa gitnang bahagi ng bansang ito.
Ikinamatay ito ng 50 sibilyan at tauhang militar, at ikinasugat ng di-kukulangin sa 24 iba pa. Umako ng responsibilidad sa pag-atakeng ito ang Nusra Front, ekstrimistikong organisasyong may kinalaman sa Al-Qaeda.
Ito ay unang pag-atake na naganap pagkaraang kunin ng tropa ng pamahalaan ang pagkontrol sa Homs. Ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Syria, na naglalayon itong makapinsala sa isinasagawang talastasang pangkapayapaan ng pamahalaan at mga paksyong oposisyon.
Salin: Liu Kai