Sa press release na ipinalabas gabi ng Martes, Enero 31, 2017, ng UN Security Council (UNSC), ipinahayag nito ang pag-asang sisimulan ni Staffan de Mistura, Espasyal na Sugo ng UN hinggil sa isyu ng Syria ang talastasang pangkapayapaan sa Geneva, sa lalong madaling panahon. Hiniling din nito sa iba't ibang panig ng Syria na walang kondisyong makilahok sa gaganaping talastasan.
Ipinahayag ng UNSC ang nasabing panawagan makaraang pakinggan ang pinakahuling ulat ni de Mistura hinggil sa isyu ng Syria. Ayon kay de Mistura, nakatakdang idaos ang talasatasang pangkapayapaan hinggil sa Syria sa Geneva, sa Pebrero 20, 2017. Nauna itong itinakdang ganapin Pebrero 8.
Idinagdag pa ni de Mistura na ipinagpaliban ang nasabing talatasan para matupad ang mga natamong bunga ng pulong hinggil sa isyu ng Syria na ginanap sa Astana, Kazakhstan nitong nagdaang linggo.
Salin: Jade
Pulido: Mac