|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo, Abril 9, 2017, ng Joint Action Commander Center ng Rusya at Iran sa Syria, sinabi nito na bilang mga kaalyadong bansa ng Syria, puwersahang tutugunan ng nasabing dalawang bansa ang aksyong mapanalakay laban sa bansa.
Tinatawag na "act of aggression" ng pahayag ang inilunsad na atakeng militar laban sa Syria. Ito anila ay lumapastangan sa soberanya ng naturang bansa.
Ayon sa ulat, kinondena nitong Linggo ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran ang atakeng militar ng Amerika laban sa Syria. Kinakatigan aniya ng Iran ang ginagawang pagsisikap ng Syria upang mabigyang-dagok ang terorismo at mapayapang malutas ang krisis nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |