Binigyan ng opisyal na sertipiko, ngayong araw, Martes, ika-11 ng Abril 2017, sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Lam Cheng Yuet-ngor, bilang sagisag ng pagkakahirang sa kanya na ika-5 punong ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR). Manunungkulan si Lam sa darating na July 1 ng taong ito.
Ipinahayag din ni Li ang buong lakas na pagkatig ng pamahalaang sentral kay Lam at sa bagong pamahalaan ng HKSAR, para sa pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapalakas ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa interyor.
Salin: Liu Kai