BEIJING, Abril 11, 2017--Kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Lam Cheng Yuet-ngor, bagong halal na Ika-5 Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR).
Ipinahayag ni Xi ang pagbati kay Lam sa kanyang pagkakahalal bilang bagong punong ehekutibo ng HKSAR. Aniya, sa 36-taong panahong nagtrabaho si Lam sa pamahalaan ng Hong Kong, nanungkulan siya sa iba't ibang mahalagang tungkulin. Siya ay may pag-ibig sa bansa at Hong Kong, at may mayamang karanasan sa administrasyon at paghawak sa mga masalimuot na isyu, ani pangulong Xi. Kaya, tinatanggap siya aniya ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Ipinahayag din ni Xi na nitong 20 taong nakalipas sapul nang bumalik ang Hong Kong sa Inangbayan noong 1997, matagumpay ang pagsasagawa ng prinsipyong "Isang Tsina, Dalawang sistema" sa Hong Kong, pero mayroon ding mga hamon at pagkakataon sa 20-taong pag-unlad nito. Ani Xi, hindi magbabago ang prinsipyong "Isang Tsina, Dalawang Sistema," "pamamahala ng mga taga-HK sa HK," at "mataas na lebel ng awtonomiya" sa Hong Kong. Lubos na kumakatig ang sentral na pamahalan sa mga gawain ng pamahalaan ng HKSAR, at inaasahan nitong magbibigay ng malaking ambag si Lam, kasama ng mga mamamayan ng HK sa pag-unlad ng HK.
salin:Lele