Ipinahayag noong gabi ng Agosto 17, 2016 ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong(HKSAR) ng Tsina, na ang patakarang "Isang bansa, dalawang sistema," "Pangangasiwa sa Hong Kong ng mga taga-HK," at "Mataas na awtonomiya sa Hong Kong" ay makakatulong sa pag-unlad ng HKSAR sa hinaharap.
Ani Leung, pagkaraan ng pagbalik ng HK sa inang bayan, totohanang naisasakatuparan ang patakarang "Isang bansa, dalawang sistema." Samantala, walang tigil na umuunlad ang lipunan at kabuhayan ng HKSAR, at napapabuti ang pamumuhay ng mga taga-HK, batay sa suporta mula sa pamahalaang sentral, at pagsisikap ng mga taga-HK, dagdag pa ni Leung.