Ipinahayag nitong Martes, Abril 5, 2016, ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na idaraos sa ika-11 ng Disyembre, 2016 ang eleksyon para sa lupong electoral ng Punong Ehekutibo ng panlimang pamahalaan ng HKSAR, at idaraos naman sa Marso 26, 2017 ang halalan para sa ehekutibo ng panlimang pamahalaan ng HKSAR.
Anito, ipagpapatuloy ang paraang panghalalang ginamit ng pang-apat na pamahalaan: unang-unang ihahalal ang bagong punong ehekutibo sa nasabing lupong elektoral na binubuo ng 1,200 kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng HKSAR; pagkatapos, tatanggapin nito ang paghirang mula sa pamahalaang sentral ng Tsina. Ang katulad na eleksyon ay idinaraos, kada limang taon. Matatapos ang termino ni Leung Chun Ying, kasalukuyang Punong Ehekutibo ng HKSAR, hanggang sa Hunyo 30, 2017.