|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Kambodya—Idinaos Martes, ika-11 ng Abril, 2017 ang seremonya ng pagsasapubliko ng Cambodian edition ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China." Dumalo sa seremonya si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya. Kalahok din dito ang halos 700 kinatawan mula sa sirkulong pulitikal, akademiko, mga bahay-kalakal at mga estudyante sa kolehiyo.
Si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Hun Sen na nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, gumawa ng mahalagang ambag ang Tsina para sa pagbangon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig na lipos ng di-matatag na elemento, aktibong iminungkahi ng Tsina ang globalisasyon, pinasulong ang kalayaan ng kalakalan at kooperasyong pandaigdig sa production capacity, at gumawa ng ambag para sa usapin ng pagbabawas sa kahirapan ng rehiyon, maging ng buong mundo, dagdag pa niya. Ang "Belt and Road" Initiative na inilunsad ng Tsina ay nakapaghatid ng maraming benepisyo sa daigdig, lalung lalo na, mga bansang Asyano, sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, aniya pa.
Si Jiang Jianguo, Pangalawang Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina
Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Jiang Jianguo, Pangalawang Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina, na ang Tsina at Kambodya ay magkaibigan at magpartner na may lubos na pagtitiwalaan. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng nasabing aklat, ibayo pang mapapalakas ang pakikipagpalitan ng karanasan ng Tsina sa Kambodya, sa aspekto ng pangangasiwa sa bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |