Binigyan kamakailan ni Soegeng Rahardjo, Embahador ng Indonesia sa Tsina, ng mataas na pagtasa ang aklat na "Xi Jinping: The Governance of China." Ipinalalagay niyang ang aklat na ito ay makakatulong sa mas mainam na pagkaunawa ng daigdig sa pag-unlad at patakaran ng Tsina.
Dagdag pa niya, "Kung may-gusto kayong malaman sa Tsina, ito ang isang aklat na matutulungan kayo para sa komprehensibong kaalaman sa Tsina at mga patakaran ng Tsina. Detalyadong inilahad nito ang hinggil sa kung paanong maisasakatuparan ang China Dream sa kondisyong pangkaunlaran na angkop sa kalagayan ng estado ng Tsina."
Salin: Vera